November 25, 2024

Home BALITA

'We want Dwight!' Pinay basketball fans, naglaway sa presence ni Dwight sa Gilas

'We want Dwight!' Pinay basketball fans, naglaway sa presence ni Dwight sa Gilas
Photo courtesy: FIBA Media Bureau

Tila hindi lang live action ng Gilas Pilipinas ang ipinunta ng ilang basketball fans sa laban ng Pilipinas kontra Hong Kong noong Linggo, Nobyembre 29, 2024 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bigo kasing masaksihan ng fans ang ‘ika nga nila’y si Dwight “St. Dwight” Ramos dahil sa iniinda niyang injury, bagama’t nasa sideline ang naturang manlalaro. Sa kasagsagan ng laban, tila nagkaisa ang Pinay fans at isinigaw sa buong arena ang “We Want Dwight!” sa pag-asang ipapasok daw ito ni Gilas Head Coach Tim Cone.

Samantala, sa post-game interview ay naglabas ng pahayag si Cone at ipinaliwanag kung bakit hindi raw niya napagbigyan ang fans. 

“I love Dwight. I’m like all the girls: I love Dwight. I just love him for different reasons. I love him for his basketball mind and his talent, he’s got an incredible basketball mind,” anang Gilas head coach. 

National

VP Sara sa pagbuwelta sa kaniya ni PBBM: ‘Papalagan ko rin ginagawa nila sa’kin!’

Dagdag pa ni Cone, gusto rin naman daw niya na makita sa basketball court si Dwight, ngunit inulit din niya na may injury daw itong iniinda mula sa last game nila kontra New Zealand. 

“I, more than anybody, would want him on the floor. I guarantee you that. I wasn't holding him out for other reasons from the fact he pulled his calf muscle in the late stages of the New Zealand game,” saad ni Cone. 

Bagama’t walang St. Dwight sa hard court, naiuwi ng Gilas ang panalo, 93-54 upang maiguhit ang kanilang ikalawang panalo sa second window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers.