December 27, 2024

Home BALITA

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara
Photo courtesy: BAYAN MUNA/Facebook

Sinabayan ng kilos protesta ang pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng House of Representatives nitong Lunes, Nobyembre 25, 2024.

Kabilang ang Bayan Muna Party-list sa mga progresibong grupo na nagtipon-tipon sa harapan ng HOR upang ihayag ang kanilang mga saloobin na ipa-impeach na raw ang Bise Presidente. 

Sa ibinahaging mga larawan sa opisyal na Facebook post ng Bayan Muna, makikita na bitbit din ng ilang mga rallyista ang mga placards na naghahayag na dapat makulong umano ang Bise Presidente at tuluyang mabuwag ang confidential funds ng Office of the Vice President (OVP). 

“Protesters, joined by members of Bayan Muna, rally in front of the House of Representatives in Quezon City, calling for the impeachment of Vice President Sara Duterte,” anang Bayan Muna sa kanilang Facebook post.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Matatandaang umugong ang mga panawagan na mapatalsik sa puwesto ang Pangalawang Pangulo kasunod ng kaniyang mga maaanghang na salita at paratang laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

KAUGNAY NA BALITA: Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Samantala, nauna na ring ihayag ng National Bureau of Investigation at Department of Justice na nakahanda na raw ang subpoena para kay VP Sara at posible rin daw na maharap ito sa mga malalaking kaso. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara ipapa-subpoena ng NBI at DOJ; posible raw makasuhan