December 27, 2024

Home BALITA

HS Romualdez sa banta ni VP Sara: 'Hindi ito biro at hindi normal na pananalita!'

HS Romualdez sa banta ni VP Sara: 'Hindi ito biro at hindi normal na pananalita!'
Photo courtesy: screenshot House of Representatives/YouTube and Office of the Vice President/Facebook

Naglabas na ng pahayag si House Speaker Martin Romualdez upang sagutin ang umano’y mga paratang at pagbabanta raw ni Vice President Sara Duterte sa mga nakalipas na araw.

KAUGNAY NA BALITA: Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Tahasang inihayag ni Romualdez na hindi na raw biro ang mga salitang binibitawan ng Bise Presidente laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at mga tirada laban sa House of Representatives.

“Hindi na 'to biro. Hindi na 'to normal na pananalita. Isa itong direktang banta sa demokrasya, sa ating pamahalaan at sa seguridad ng bayan,” ani Romualdez.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

KAUGNAY NA BALITA: Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

Nilinaw rin ng House Speaker na wala raw lugar sa lipunan ang dahas dahil maaari daw itong maging mensage sa taumbayan na nagpapatunay ng pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga taong may posisyon sa pamahalaan.

“A message that violence can be contemplated by those in positions of power,” anang House Speaker. 

“Violence has no place in society. It is irreconcilable to the values that have taught and guided us for years. Values of respect and amicable peaceful conflict resolution,” saad ni Romualdez. 

Mariin ding iginiit ni Romualdez na hindi lang basta dapat palagpasin ang mga naging pahayag ng Bise Presidente at sinabing dapat daw itong mapanagot upang maprotektahan umano ang demokrasya ng Pilipinas. 

“We cannot let this pass as mere rhetoric! The gravity of such a confession demands accountability. It demands answers. It demands that we, as representatives of the Filipino people, take a stand to protect democracy from any and all forms of threats,” saad ni Romualdez. 

Matatandaang kamakailan lang ay nagsunod-sunod ang mga pahayag na binitawan ng Pangalawang Pangulo kasabay ng umano’y mga akusasyon niya laban kay PBBM at sa liderato ng Kamara dahil sa giit niyang “panggigipit daw ng mga ito sa Office of the Vice President.”

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romualdez

KAUGNAY NA BALITA: Giit ni VP Sara, ginawa raw siyang 'punching bag' ng gobyerno para pagtakpan umano ang 'kalokohan' nito