Usap-usapan ang Facebook post ng abogado at political analyst na si Atty. Jesus Falcis tungkol daw sa tanong ng mga "DDS at Marcos apologists" kung kailan makikisali sa "bardagulang" nangyayari sa pagitan ng kampo nina President Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte, ang mga Kakampink.
Kakampink ang tawag sa mga tagasuporta ng "Leni-Kiko tandem" noong nagdaang May 2022, na siyang pinakamahigpit na katunggali ng UniTeam nina PBBM at VP Sara. ang tandem na ito ay sina dating Vice President Leni Robredo at dating Senador Kiko Pangilinan. Si Falcis, ay isang Kakampink.
Sa kasalukuyan ay may sigalot sa pagitan ng dating magkaalyado, dahil sa iba't ibang isyu.
"Tanong ng mga DDS and Marcos apologists, kelan daw sasali ang mga Kakampinks sa bardagulan?" panimula ni Falcis sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Nobyembre 25.
Nagbigay naman ng tatlong sitwasyon ang abogado na sa palagay niya, magtutulak sa mga Kakampink para "makisawsaw" sa bardagulan.
"1. If Sara Duterte has BBM assassinated, Sara is the ultimate beneficiary as she would succeed as President. We can’t let her reap the fruits of a poisonous tree."
"2. If Sara Duterte is impeached and an EDSA Tres or Kwatro happens, we should support and defend democracy and the rule of law. We should oppose any military adventurism and attempts by the Dutertes or their allies to launch a coup de tat."
"3. If BBM declares martial law and attempts to become a dictator."
Dagdag pa niya, "In the meantime, habang hindi pa yan nangyayari eh mag e-enjoy muna kami manuod sa puksaan ng kadiliman at kasamaan with our popcorn. Time to watch Wicked and Moana 2."
"Goodluck sa puksaan!" pahabol pa niya.
Reaksiyon at komento naman ng netizens:
"true kuya fals. problema ng mga evil forces yan. sit back, relax, and enjoy the show muna tayo. ay nasa sinehan pala hahaha"
"Nag Popcorn muna kami"
"tamang Piattos lang sa gedli"
MAKI-BALITA: PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'