Ibinahagi ni Kapamilya actor Gerald Anderson kung paano siya naimpluwensiyahan sa pagtulong sa mga tao ng kaniyang mga magulang lalo na ng ama niyang nagserbisyo raw sa US Navy sa loob ng tatlong dekada.
Sa latest episode ng vlog ni Bernadette Sembrano kamakailan, sinabi ni Gerald na nasa dugo raw ng pamilya niya ang pagseserbisyo.
“I think nasa dugo rin namin ‘yong service, call of duty. Naturally, parang nakuha ko, e. And sa mom ko, may mga moments and days, na gipit kami pero kapag may nanghihingi sa kaniya ibibigay niya,” saad ni Gerald.
Dagdag pa niya, “Alam mo ‘yon, ‘yong parang she will go above and beyond para makatulong sa iba. That’s why I can’t take credit for everything because it’s things I learned, it’s things na nakuha ko sa mga magulang ko.”
Matatandaang kamakailan lang ay nakatanggap si Gerald ng pagkilala mula sa Philippine Coast Guard (PCG).
MAKI-BALITA: Promotion sa PCG, gagamitin ni Gerald para magbigay ng inspirasyon sa kabataan
Pero bago pa man ito, ginawaran din si Gerald ng PCG Auxiliary Search and Rescue medal and ribbon dahil sa kaniyang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina noong Hulyo.
MAKI-BALITA: Gerald Anderson, pinarangalan ng PCG