December 26, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Darryl Yap, may buwelta sa mga nagsasabing sinayang si ex-VP Leni

Darryl Yap, may buwelta sa mga nagsasabing sinayang si ex-VP Leni

May reaksiyon at komento ang direktor na si Darryl Yap sa mga nagsasabing sinayang ng 31 milyong botante ang pagkakataong maging pangulo si dating Vice President Leni Robredo.

Si dating VP Leni ay tumakbo sa pagkapangulo noong May 2022 national elections katunggali ang kasalukuyang pangulong si Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Ang "31M" naman ay tumutukoy sa nakuhang kabuuang boto ni PBBM.

Makikita sa post ng isang netizen na nagngangalang "Armson Angeles Panesa" ang larawan ni Robredo. Mababasa naman sa caption, "Ang babaeng sinayang ng 31M na Filipino. (Kung totoong 31M nga sila)."

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Ni-reshare naman ni Yap ang nabanggit na post at kinomentuhan.

"kayo nagsayang dyan. kung makatao kayong nangampanya baka naging katanggap-tanggap siya," aniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"True. If only Leny supported some of FPRRD’s that were obviously beneficial to the entire country then we could’ve voted for her. Wala na ngang nagawa puro pa critics binibigay."

"Agree. Toxic ng mga 'Let Me Educate You...' supporters."

"Di rin. Kung nanalo baka mas malala pa. Yung mga backer ng current admin mga kakampink so same outcome langz."

"Hinanap q hanggang ngaun ung word na sayang... Pero di q naman nakikita kung saan banda. Pakisabi matulog na lang hahaha."

"Bakit kasalanan pa namin hahaha?"

"Daming nabudol hahaha never again."