December 26, 2024

Home BALITA

Sen. Bato, Sen. Go, pansamantalang papalit na bantay ni Lopez

Sen. Bato, Sen. Go, pansamantalang papalit na bantay ni Lopez
Photo courtesy: screenshot from Office of the Vice President, House of Representatives/Facebook

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na pinayagan na raw siya ng kaniyang chief-of-staff na si Zuleika Lopez na makauwi muna habang sina Sen. Bong Go at Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa raw muna ang pansamantalang maiiwan niya.

Sa pagharap ni VP Sara sa media nitong Linggo, Nobyembre 24, 2024, inamin niyang matapos ang ilang ulit na pagpapaalam kay Lopez, ay naging palagay na raw siyang maiwanan muna ng Pangalawang Pangulo.

“I pleaded with her na pauwiin ako para makita yung mga anak ko. Initially ayaw niya, tas umiyak na naman siya. Pinabayaan ko muna siya sandali, then inulit ko ulit, ‘yon na naman ulit,” anang Pangalawang Pangulo.

Dagdag pa niya tila kumalma raw si Lopez nang sabihin niyang maiiwan sa tabi niya si Sen. Go at Sen. Dela Rosa.“In exchange for me, Sen. Bong Go will stay with her. So sabi ko, dalawa ang sasama sa kaniya. Dalawa pa rin ang sasama sa kaniya, si Senator Bato Dela Rosa and Senator Bong Go. Doon na siya parang medyo nag-isip and then pumayag na siya,” ani VP Sara. 

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Matatandaang Nobyembre 21, pa nang manatili si VP Sara House of Representatives upang damayan umano si Lopez na nakadetine rito matapos mapatawan ng contempt order noong Nobyembre 20.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Samantala, nabanggit din ni VP Sara na nananatili pa rin daw ang takot ni Lopez na baka raw muling may magtangkang ilipat siya sa Women’s Correctional, kaya’t nakiusap daw ito na bumalik agad ang Pangalawang Pangulo sa kaniyang tabi.

“Sinabi niya na, bumalik daw ako mamayang gabi, kasi baka daw gabi na naman gawin yung pagkuha sa kaniya,’ saad ng Bise Presidente.

Noong Sabado, Nobyembre 23 ng umaga nang magbaba ng utos ang Kamara na ilipat daw sa Women’s Correctional si Lopez dahil umano sa panghihimasok ni VP Sara sa lagay nito sa kaniyang detention room.

Nakatakdang matapos ang detention kay Lopez sa darating na Lunes, Nobyembre 25, 2024, ngunit hindi raw tiyak si VP Sara kung dadalo pa raw ito sa magiging pagdinig ng Kamara hinggil pa rin sa budget ng Office of the Vice President (OVP) sa naturang araw.