November 24, 2024

Home BALITA

Rep. Pulong Duterte binalingan si Rep. Castro?; trato kina VP Sara, Lopez, ikinumpara!

Rep. Pulong Duterte binalingan si Rep. Castro?; trato kina VP Sara, Lopez, ikinumpara!
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo, VP Sara, House of Representatives/Facebook

Tahasang inalmahan ni Davao 1st. District Representative Paolo “Pulong” Duterte ang pagtrato raw ng House of Representatives sa kaniyang kapatid na si Vice President Sara Duterte at chief-of-staff niyang si Zuleika Lopez bilang umano’y mga kriminal. 

Sa pamamagitan ng Facebook post noong Sabado, Nobyembre 23, 2024, tahasang inilahad ni Rep. Duterte ang umano’y “katotohanan” at diretsahang kinuwestiyon naging trato sa kampo ng kaniyang kapatid at tila ikinumpara ito sa kaso ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na diretsahan niyang tinawag na “convicted criminal.”

“At the hospital, over 100 police officers surrounded Atty. Lopez and VP Sara as if they were criminals. This starkly contrasts with the freedom enjoyed by convicted criminal Castro, who continues to act with impunity and contempt,” anang mambabatas.

Inilahad din ni Rep. Duterte na sarili niyang bersyon na siyang “tunay’ raw na nangyari noong Sabado ng umaga, Nobyembre 23 sa paghahain daw ng Kamara ng transfer order kay Lopez papuntang Women’s Correctional. 

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

Ayon kay Pulong nasa 9 na tauhan daw ng Kamara ang pumasok sa detention room ni Lopez upang ihain ang naturang transfer order. Agad din umanong naging emosyonal si Lopez nang igiit niyang hindi siya kriminal upang ilipat sa Correctional.

Iginiit din ni Rep. Duterte na hinarang daw ng pulisya ang abogado ni Lopez na makapasok sa Kamara kung kaya’t si VP Sara na raw ang tumayong “legal counsel” nito.

KAUGNAY NA BALITA: Pag-akto ni VP Sara bilang 'legal counsel' ni Lopez, 'unconstitutional'-Rep.Chua

why VP Sara stepped in. Acting as one of the lawyers, supported Atty. Lopez’s decision to stay within the HOR premises,” anang kongresista.

Sinabi rin ni Pulong na na-confiscate ang mga cellphone kabilang ang executive assistant ni Lopez. Isinaad din niya na naantala ang pagpapasok ng House of Representatives para saklolohan at bigyan ng medical attention si Lopez. 

Kaugnay nito, pinuna rin ni Pulong ang halos nasa 100 pulis na nakapaligid sa buong ospital, na ayon sa kaniya ay nagmistulang mga kriminal daw si VP Sara at Lopez.

Samantala, sa inilabas na pahayag ni House Sergeant-at-Arms Napoleon Taas mariing niyang pinabulaanan ang umano’y mga paratang sa mga protocols ng Kamara hinggil sa pagtrato nila sa mga detainee na nasa kanilang pangangalaga.