Naglabas ng opisyal na pahayag ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP), partidong kinabibilangan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, laban sa naging tahasang pahayag ni Vice President Sara Duterte noong Sabado, Nobyembre 23, 2024, na ipatumba si PBBM, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez kung sakaling may mangyaring masama sa kaniya.
KAUGNAY NA BALITA: Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang
Sa kanilang opisyal na Facebook post, sinabi ng partido nitong Linggo, Nobyembre 24 na kinokondena nila ang umano’y pang-aatake sa demokrasya ng bansa, maging sa anumang porma ng dahas na maaaring makaapekto sa buong bansa.
“We, the members of the Partido Federal ng Pilipinas (PFP), strongly and unequivocally condemn any attacks against our democracy. We reject all forms of violence, threats, or actions that jeopardize the safety of our people and the stability of our nation,” anang PFP.
Iginiit din ng PFP na ang mga salitang binitawan daw ni VP Sara ay isang nakaaalarmang mga pahayag at hindi rin daw sumasailalim sa mga prinsipyong bitbit ng Bagong Pilipinas.
“The statements made by Vice President Sara Duterte against the President and the First Lady are deeply alarming as it undermines the rule of law and foster a culture of lawlessness and impunity. Such rhetoric has no place in a democracy, in a Bagong Pilipinas that values accountability, peace, and order,” saad ng PFP.
Ipinanawagan din ng nasabing partido ang kahalagahan daw ng pagkakaisa at pagpapakumbaba bilang mga pinuno ng bansa.
“We urge our leaders to transcend personal and political interests, prioritize unity over division, and commit to fostering peace and moral recovery. As public servants, we must exemplify humility, discipline, and accountability in both our words and actions,” giit ng PFP.
Matatandaang nagsabi ng mga maaanghang na salita ang Bise Presidente laban kay PBBM at sa liderato ng Kamara hinggil sa umano’y panggigipit sa kaniya at sa Office of the Vice President (OVP).
KAUGNAY NA BALITA: Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez
Kaugnay nito, nanindigan ang PFP na mananatili umano silang may tiwala sa ilalim ng pamumuno ni PBBM.
“We reaffirm our unwavering support for the administration of President Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., trusting that under his leadership, democracy, the rule of law, and national progress will prevail,” saad ng PFP.
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang miyembro ng First Family maging si House Speaker Romualdez hinggil sa mga bantang inihayag ni VP Sara.
KAUGNAY NA BALITA: Giit ng Presidential Security Command, banta ni VP Sara: 'A matter of national security'