November 24, 2024

Home BALITA

Para kanino? Sen. Imee Marcos, naispatan sa Veterans Memorial Medical Center

Para kanino? Sen. Imee Marcos, naispatan sa Veterans Memorial Medical Center
Photo courtesy: GMA Integrated News/Facebook

Namataan na rin si Sen. Imee Marcos sa bisinidad ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) nitong Linggo ng hapon, Nobyembre 24, 2024 matapos bumaba sa sinasakyan niyang chopper.

Makikita sa video mula sa ABS-CBN News ang paglabas ni Sen. Imee habang isang bouquet din ng bulaklak ang nakitang ibinaba mula sa nasabing chopper. 

Samantala, hindi naman nagbigay ng pahayag ang senadora kung ano ang kaniyang pakay sa VMMC.Matatandaang noong Sabado, Nobyembre 23, nang ibalik at i-admit sa naturang ospital ang chief-of-staff ni Vice President Sara Duterte na si Zuleika Lopez, alinsunod sa utos ng Kamara.

Nauna na ring bumisita sina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at Sen. Bong Go kay Lopez na siyang pansamantalang bantay nito, habang wala ang Pangalawang Pangulo.

DepEd, nagbigay ng 4 na Filipino values na dapat matutuhan ng mga mag-aaral

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, Sen. Go, pansamantalang papalit na bantay ni Lopez

Si Lopez ay nakadetine alinsunod sa desisyon ng House of Representatives dahil sa contempt order na ipinataw sa kaniya noong Nobyembre 20. Nakatakda namang matapos ang kaniyang detention sa darating na Lunes, Nobyembre 25, 2024, ngunit hindi raw tiyak si VP Sara kung dadalo pa raw ito sa magiging pagdinig ng Kamara hinggil pa rin sa budget ng Office of the Vice President (OVP) sa naturang araw.