Hindi pinalagpas ng pamunuan ng Miss Universe Philippines ang ginawa ng isang vlogger-pageant analyst sa pambato ng Pilipinas sa 73rd Miss Universe 2024 na si Chelsea Manalo, na hindi naman umuwing luhaan matapos tanghaling Miss Universe Asia 2024.
Usap-usapan kasi ang mga naging hanash ni Adam Genato na kung ibang kandidata raw sana ang ipinadala sa nagtapos na 73rd Miss Universe 2024 sa Mexico, malamang daw, hanggang ngayon daw sana ay nagbubunyi pa rin ang mga Pilipino.
Hindi naman nagustuhan ng netizens ang mga naging pahayag ng vlogger at sinabing unfair ito para kay Chelsea na ginawa ang lahat nang makakaya niya para sa patas na laban sa MU 2024.
Sa isang opisyal na pahayag ay kinondena ng MUPH ang mga sinabi ni Adam, at sinabi nilang hindi nila ito-tolerate ang mga ganitong klase ng diskriminasyon at bullying.
"The Miss Universe Philippines Organization condemns the recent video commentary of Mr. Adam Genato regarding Miss Universe Asia 2024 Chelsea Manalo," bahagi sa mababasang opisyal na pahayag ng MUPH.
Hindi raw nila itotolerate ang anumang akto ng cyber bullying at irresponsible vlogging lalo na kung manggagaling pa sa MUPh partners na wine-welcome daw nila sa events.
Matapos ang katakot-takot na backlash ay agad na humingi ng tawad si Adam sa lahat ng kaniyang mga nasabi patungkol sa naging laban ni Chelsea sa nabanggit na prestihiyosong pageant, lalo na sa Miss Universe Asia 2024.
KAUGNAY NA BALITA: Vlogger kinuyog dahil sa okray kay Chelsea Manalo, biglang kambyo