November 24, 2024

Home BALITA

Ilang grupo nagtipon para sa panawagan ng clemency kay Mary Jane Veloso

Ilang grupo nagtipon para sa panawagan ng clemency kay Mary Jane Veloso
Photo courtesy: Migrante International/Facebook

Nagsagawa ng candle-lighting event noong Sabado, Nobyembre 23, 2024 ang Migrante International at Task Force to Save Mary Jane sa St. Anthony de Padua Shrine upang ipanalanging ligtas na makabalik ng bansa at mapagbigyan ng clemency si Mary Jane Veloso.Isinusulong ng grupo ang panawagang magkaroon na raw ng clemency sa kaso ni Veloso na nasentensyahan ng parusang bitay sa Indonesia noong 2010, matapos umanong siyang mahulihan ng ilegal na droga sa nayurang bansa.

Samantala, naglunsad din ng online signature campaign ang Migrante International nitong Linggo, Nobyembre 24, isa umanong global petition para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na patawan si Mary Jane ng clemency bilang biktima raw ng human trafficking.

“The Save Mary Jane Veloso Task Force has launched a global petition today calling on Philippine President Marcos Jr. to Bring Mary Jane Home Safely to the Philippines, and to Grant her Clemency as a victim of human trafficking,” anang organisasyon.

Matatandaang noong Nobyembre 20, nang ihayag ni PBBM na pumayag na raw ang Indonesian government na mailipat ng kulungan si Veloso pabalik ng Pilipinas. Kaugnay nito, nilinaw rin ng Indonesia, na nasa Pilipinas na raw ang desisyon ng magiging lagay ng kaso ni Mary Jane, oras na maibalik ito sa bansa.

National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

KAUGNAY NA BALITA:Nasentensyahang si Mary Jane Veloso, babalik na sa Pilipinas—PBBM

KAUGNAY NA BALITA: Mary Jane Veloso, posibleng pagkalooban ng clemency – PBBM