November 24, 2024

Home BALITA

DepEd, nagbigay ng 4 na Filipino values na dapat matutuhan ng mga mag-aaral

DepEd, nagbigay ng 4 na Filipino values na dapat matutuhan ng mga mag-aaral

Ipinaalala ng Department of Education (DepEd) ang apat na mahahalagang Filipino values na dapat matutuhan ng mga mag-aaral upang hubugin ang kanilang pagkakakilanlan at mas maiwasto kanilang ugali. 

Sa Facebook post ng DepEd Philippines nitong Huwebes, Nobyembre 21, binigyang-diin nila ang mga Filipino values na hindi lamang humuhulma sa ugali ng isang indibidwal, kundi nagbibigay rin ng pagkakakilanlan at impluwensiya sa mga mag-aaral kung paano sila makipag-ugnayan nang tama sa mundo alinsunod sa ginunitang Filipino Values Month:

1. Hospitality. Kilala tayong mga Pilipino sa magiliw at mabuting pakikitungo. Ibinibigay natin ang buong-pusong pagtanggap sa ating mga bisita sa pamamagitan ng paghahanda ng makakain at pagbibigay ng comfort sa kanila.

2. Respect for Elders. Ang pagiging magalang ay likas na nakaukit sa kulturang Pilipino. Ang mga bata ay nagbibigay galang sa pamamagitan sa pagmamano at paggamit ng ‘po’ at ‘opo’.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

3. Strong Family Ties. Ang pamilya ang siyang sentro at priyoridad sa buhay ng bawat Pilipino. Ang mga salo-salo at selebrasyon kasama ang pamilya ay karaniwan at pinahahalagahan natin. 

4. Resilience. Kilala ang mga Pilipino sa abilidad na umahon mula sa kagipitan. Ang katatagang ito ay karaniwang may kasamang positibong pananaw at sense of humor sa kabila ng kahirapan. 

Ang Filipino Values Month ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre upang palakasin ang pagpapahalaga sa mga tradisyunal na kaugalian, kulturang Pilipino, at mga positibong pagpapahalagang nagpapakilala sa ating pagka-Pilipino. 

Ito ay itinakda sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Fidel V. Ramos sa bisa ng Proclamation No. 479, na nilagdaan noong Oktubre 7, 1994. 

Bagama't nilagdaan ang proklamasyon noong 1994, opisyal na sinimulan ang pagdiriwang ng Filipino Values Month noong Nobyembre 1997. 

Mariah Ang