Hindi nakaligtas sa panggagagad ni comedy genius Michael V. o kilala rin bilang Bitoy ang hit song na “Dilaw” ng OPM artist na si Maki.
Sa YouTube channel ng “YoüLOL” nitong Linggo, Nobyembre 24, mapapanood na ang buong version ng nasabing parody na pinamagatang “Hilaw.”
Ginawa ang parody song bilang bahagi sa pagdiriwang ng 29th anniversary ng “Bubble Gang” na itinuturing longest-running gag show sa bansa.
Umani naman ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Lupet talaga bumuo ng liriko!! Isang Alamat!!"
"Iba talaga ang atake mo sa mga bagay bagay at pangyayari sa mundo sa paraan ng pag awit mo dinadadaan ang pagpunto mo sa mga problema ng ating Lipunan lodi ka. Talaga Michael V"
“‘Taga Pilipinas nga kayo pero parang tanga’ Haha sapol ang lyrics galing mo idolo talaga"
"grabe may tuno ang boses mo idol Michael V"
"Angas...more parody kuya Bitoy mas kabisado ko yung parody mo kaysa sa orig"
"Idol Michael V.. since 1900, tutoo cnabi mo, hnd sisikat ang isang kanta or commercial habang hnd mo ginagaya.. follower here idol"
"Dami na namang tatamaan dito haha! Henyo talaga, Sir Bitoy! "
"Haha parody king tlaga to si idol bitou "
Matatandaang noong Setyembre ay naglabas din ng parody song si Bitoy kasama sina Kokoy De Santos, Buboy Villar, Alberto S. Sumaya Jr., at Matt Lozano.
MAKI-BALITA: Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon