January 09, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vlogger kinuyog dahil sa okray kay Chelsea Manalo, biglang kambyo

Vlogger kinuyog dahil sa okray kay Chelsea Manalo, biglang kambyo
Photo courtesy: Screenshot from @misspageantist (TikTok)/Miss Universe Philippines (IG)

Hindi nagustuhan ng pageant fans, mga tagasuporta, at mismong pamunuan ng Miss Universe Philippines ang mga pahayag ng vlogger at pageant analyst na si Adam Genato laban kay Miss Universe Asia 2024 Chelsea Manalo.

KAUGNAY NA BALITA: Chelsea Manalo, pasok sa Top 30 ng 73rd Miss Universe 2024

MAKI-BALITA: Chelsea Manalo, itinanghal na Miss Universe Asia

Usap-usapan ang mga naging hanash ni Adam na kung ibang kandidata raw sana ang ipinadala sa nagtapos na 73rd Miss Universe 2024 sa Mexico, malamang daw, hanggang ngayon daw sana ay nagbubunyi pa rin ang mga Pilipino.

Tsika at Intriga

Rufa Mae sa kaso niya: 'Biktima rin ako... Go, go, go, basta hinaharap!'

Hindi naman nagustuhan ng netizens ang mga naging pahayag ng vlogger at sinabing unfair ito para kay Chelsea na ginawa ang lahat nang makakaya niya para sa patas na laban sa MU 2024.

Sa isang opisyal na pahayag ay kinondena ng MUPH ang mga sinabi ni Adam, at sinabi nilang hindi nila ito-tolerate ang mga ganitong klase ng diskriminasyon at bullying.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens. 

"There's a difference between criticism and invalidating someone's hard work. Chelsea didn't deserve to be compared to other queens and made to feel less than deserving to represent Philippines. There was nothing constructive about what was said. We all are free to say our opinion, but opinions come with responsibility and consequences. Kudos to MUPH for sticking up for Chelsea."

"Constructive criticism Insensitive comments ."

"It’s disheartening with the things he said. Queen Chelsea even invited him back into her room for an interview because she has a genuine and loving heart. And to hear what he said, is just heartbreaking. I wish him healing in his heart."

"There is no need for comparison, sa totoo lang, Chelsea did her assignments very well and her team is very hardworking. Sana lang be sensitive sa mga binibitawan nating salita."

"Thank you for releasing an official statement in support FOR our most deserving Miss Universe Asia Chelsea. There are a lot of healthier ways to address personal opinions without attacking the hard work and efforts of not just our Queen Chelsea, but every single person behind her and her team’s successes. I cannot believe it even has to be addressed to be kind, to give grace, and to be mindful to a grown adult."

Matapos ang katakot-takot na backlash ay agad na humingi ng tawad si Adam sa lahat ng kaniyang mga nasabi patungkol sa naging laban ni Chelsea sa nabanggit na prestihiyosong pageant.