January 23, 2025

Home BALITA

Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional
Photo courtesy: Office of the Vice President, House of Representatives/Facebook

Naglabas ng pagkadismaya si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa hinggil sa kautusang paglilipat sa Women’s Correctional sa chief-of-staff ng Office of the Vice President na si Zuleika Lopez mula sa pasilidad ng House of Representatives.

Sa panayam ng media kay Dela Rosa sa pagbisita niya kay Lopez sa St. Luke’s Hospital nitong Biyernes, Nobyembre 23, 2024, iginiit niyang hindi raw umano “convicted criminal” si Lopez upang ilagay sa Women’s Correctional. 

“It’s very unfortunate, dahil yung tao na hindi pa man nagiging accused, hindi pa na-file-an ng kaso, kung i-treat mo parang convicted na, na dadalhin mo sa women’s correctional,” anang senador. 

Ipinaliwanag din ng senador na ang correctional daw ay para sa mga taong may sentensya at hindi raw para sa katulad ni Lopez na napatawan lamang ng contempt order.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Iyan ay kulungan ng mga serving sentenced. Convicted felon serving sentence. Bakit mo ikulong doon yung isang babae, isang abogado na pinatawan lang ng citation for contempt na ngayon ay dadalhin mo na doon sa facility for the convicted criminals? It is very unjustified,” ani Sen. Dela Rosa. 

Giit pa ni Dela Rosa, si Vice President Sara Duterte raw ang humingi ng tulong sa kanila dahil umano sa naging sitwasyon nito kasama si Lopez sa House of Representatives nitong Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 23. 

“Tinawagan ako na humihingi ng tulong si VP Inday Sara sa sitwasyon nila doon sa House, kaya bumaba agad ako, bumiyahe kaagad ako dito from Baguiao,” saad ni Dela Rosa. 

Matatandaang bahagyang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng kampo ng Pangalawang Pangulo at ilang tauhan ng Kamara matapos magkaroon ng kautusan na nagsasaad ng paglilipat kay Lopez sa Women’s correctional dahil umano sa panghihimasok ni VP Sara sa sitwasyon nito sa detention facility sa Kongreso.