January 22, 2025

Home BALITA

PNP, kinumpirma na Kamara ang nag-utos na ibalik sa Veterans hospital si Lopez

PNP, kinumpirma na Kamara ang nag-utos na ibalik sa Veterans hospital si Lopez
Photo courtesy: screenshot from ABS-CBN News, House of Representatives/Facebook

Kinumpirma ni PBGen. Nicolas Torre III na nagbaba ng utos ang Kamara na muling ilipat pabalik ng Veterans Memorial Medical Center si Office of the Vice President (OVP) Chief-Of-Staff Zuleika Lopez mula sa St. Luke’s Medical Center nitong Sabado, Nobyembre 23, 2024.

Sa panayam ng media kay PBGen. Torre III, binasa niya ang umano’y kasulatang naglalaman ng direkatibang mailipat na raw pabalik ng Veterans Memorial Medical Center si Lopez matapos daw itong ma-discharge na rin ng St. Luke’s. 

“Ang nakasulat dito, considering as requested. Atty. Zuleika Lopez has been examined by the physicians and cleared by the St. Luke's Medical Center in Quezon City. You are directed to transfer, Atty. Lopez to the Veterans Memorial Center in Quezon City, and this is consistent practice by the House of Representatives to entrust detainees to government facilities. For immediate implementation and signed by the authority of the Speaker,” ani Torre III.

Ayon pa kay Torre III, mismong St. Luke’s na rin umano ang nagbigay ng clearance kay Lopez na ma-discharge at mailipat na pabalik sa Veterans matapos siyang ma-examine sa naturang ospital.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“May mga choices kanina sina Atty. Lopez to be examined by St. Luke's at ito nga na-examined na sila ng St. Luke's and St. Luke's hospital given them clearance to be discharged and to be brought back to the Veteran's Memorial Center,” saad ni Torre III. 

Matatandaang isinugod sa ospital si Lopez matapos umano itong magkaroon ng panic attack nang ipagbigay-alam ng House of Representatives na nakatakda na siyang dalhin sa Women’s Correctional ngayong Sabado, Nobyembre 23. 

BASAHIN: Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional