November 23, 2024

Home BALITA

Kasunod ng pagbabanta kay PBBM: Solon hinamon si VP Sara, sumipot muna sa hearing

Kasunod ng pagbabanta kay PBBM: Solon hinamon si VP Sara, sumipot muna sa hearing
Photo courtesy: Pammy Zamora, VP Sara/Facebook

Hinamon ni House Assistant Majority Leader at Taguig City 2nd District Rep. Pammy Zamora si Vice President Sara Duterte na subukan muna raw na sumipot sa pagdinig ng Kamara, kasunod ng naging pahayag ng Bise Presidente na ipatumba si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

KAUGNAY NA BALITA: Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

Sa pahayag na inilabas ni Zamora nitong Sabado, Nobyembre 23, 2024, sinabi niyang sa halip daw na sumunod na lang sa batas ang Bise Presidente, ay kung ano-ano pa raw ang ginagawa nito upang maiwaksi ang atensyon mula sa isyu ng umano’y maanumalyang paggamit ng Office of the Vice President (OVP) ng confidential funds. 

“Instead of complying with lawful orders, the vice president has chosen the opposite path. This diverts attention from the critical questions surrounding her office’s actions,” ani Zamora. 

Pag-akto ni VP Sara bilang 'legal counsel' ni Lopez, 'unconstitutional'-Rep.Chua

Nilinaw din ni Zamora na ang mga pagdinig daw ng Kamara ay walang halong personal na agenda at nais lamang daw nitong mailabas ang “transparency” higgil sa mga transaksyon ng OVP. 

“The hearing is not about personal vendettas; it is about ensuring transparency in the use of public funds,” anang mambabatas. 

Nakatakdang magkaroon ng susunod na pagdinig ang House Committee on Good Government and Public Accountability sa darating na Lunes, Nobyembre 25, 2024 kaugnay pa rin sa budget issue ng OVP. 

Dagdag pa ni Zamora, ang transparency at accountability daw ang pundasyon sa tiwala ng taumbayan, kaya naman mas mapatutunayan daw ng Pangalawang Pangulo ang kaniyang prinsipyo, kung haharapin na raw niya ang pagdinig hinggil sa kaniyang opisina. 

“Transparency and accountability are the cornerstones of public trust. By attending the hearing, Vice President Duterte can prove that she values these principles,” giit ni Zamora.

Matatandaang sa kabila ng panawagan ni House Speaker Martin Romualdez na dumalo at harapin ni VP Sara ang House hearing, ay nanindigan ang Pangalawang Pangulo na hindi raw siya sisipot dito dahil hindi niya kinikilala ang liderato ng Kamara. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romualdez