December 27, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Hello, Love, Again natalbugan ang Rewind; netizens, nag-aaway sino bumitbit ng pelikula

Hello, Love, Again natalbugan ang Rewind; netizens, nag-aaway sino bumitbit ng pelikula
Photo courtesy: Star Cinema (FB)

Na-dethrone na agad nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang pagiging "highest-grossing Filipino movie of all time" ng pelikulang "Rewind" nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera noong 2023, matapos nilang kumita ng ₱930 milyon worldwide, sa loob lamang ng 10 araw.

MAKI-BALITA: Record-breaking! 'Rewind' kinabog lahat ng 'MMFF movies of all time' sa kita

Ayon sa ulat na inilabas ng ABS-CBN News at GMA News, sequel na nga ng "Hello, Love, Goodbye" ang nakasungkit ng nabanggit na titulo, at inaasahang hahamig ito ng bilyong piso sa mga susunod pang araw. Ang HLG naman ay nasa third spot ng pinaka-blockbuster na pelikula sa kasaysayan.

Bukod dito, lumukha rin ng kasaysayan ang HLA matapos makapasok sa 8th spot ng Top 10 highest-grossing movies sa Amerika. 

Pelikula

Vice Ganda, 'di papakabog? 'And The Breadwinner Is' sold-out na sa iba't ibang sinehan!

Ang Rewind ay kumita ng ₱902 milyon sa takilya.

MAKI-BALITA: 'Hello, Love, Again,' pasok sa Top 10 highest grossing film sa US

Ang pelikula ay kauna-unahang kolaborasyon ng ABS-CBN Studios, Star Cinema, at GMA Pictures, na ipinalabas noong Nobyembre 13. Ito ay nasa direksyon pa rin ni blockbuster director Cathy Garcia-Sampana.

Habang marami ang nagpapaabot ng pagbati sa lahat ng mga may kinalaman sa produksyon, hindi pa rin maiwasan ng ilang netizens na magtalo-talo kung sino raw ang nagdala o bumitbit sa success ng pelikula.

May mga nagsabing sa lakas daw kasi ng fandom ni Kathryn, at may mga nagsabi namang dahil sa mga tagasuporta ni Alden, na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumibitiw sa kaniya, magmula noong kasagsagan ng AlDub.

May mga nagsabi ring dahil daw ito sa dala-dalang magic ng Star Cinema na kilala sa paggawa ng mga pelikulang de-kalibre at talaga namang pumapatok sa takilya; sa katunayan, mayorya ng mga pelikulang nasa top 10 ng highest-grossing movie of all time ay likha nila.

Sey naman ng Kapuso fans, malaking factor daw ang exposure ng GMA Network sa KathDen dahil sila ngayon ang itinuturing na largest network dahil sa pagkakaroon ng prangkisa, at naging kabi-kabila ang naging guestings nila sa iba't ibang Kapuso shows para lang makapag-promote.

Pero saway naman ng iba pang Kapuso at Kapamilya fans, pareho daw may kontribusyon ang ABS-CBN, GMA, Star Cinema, GMA Pictures at ang KathDen dito. Sana raw ay maging masaya na lamang ang lahat sa success ng dalawang network, lalo't wala na raw network war at mas uso na ngayon ang collaborations.

Kaya ang tanong na rin ng marami, napatunayang ang lakas-lakas ng chemistry ng KathDen, posible pa kaya silang magsama sa isang proyekto gaya ng pelikula, o kaya naman, teleserye?

BASAHIN: BALITAnaw: Mga pelikulang Pilipinong humataw at tumabo sa takilya