December 26, 2024

Home BALITA

Giit ng Presidential Security Command, banta ni VP Sara: 'A matter of national security'

Giit ng Presidential Security Command, banta ni VP Sara: 'A matter of national security'
Photo courtesy: screenshot from OVP, Presidential Security Command, Bongbong Marcos/Facebook

Naglabas ng pahayag ang Presidential Security Command (PSC) hinggil sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte sa plano umano niyang ipatumba si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos kapag may nangyaring masama sa kaniya.Sa kanilang opisyal na website, tahasang inihayag ng PSC nitong Sabado, Nobyembre 23, 2024 na naghigpit daw sila ng seguridad sa Pangulo at maging sa buong miyembro ng First Family kasunod ng mga maaanghang na pahayag ng Pangalawang Pangulo.

“The Presidential Security Command (PSC) has heightened and strengthened its security protocols. We are also closely coordinating with law enforcement agencies to detect, deter, and defend against any and all threats to the President and the First Family,” anang PSC.

Tahasan ding isinaad ng PSC na ang banta raw sa seguridad ng Pangulo ay itinuturing nilang banta sa seguridad ng buong bansa. 

“Any threat to the life of the President and the First Family, regardless of its origin—and especially one made so brazenly in public—is treated with the utmost seriousness. We consider this a matter of national security and shall take all necessary measures to ensure the President’s safety,” saad ng PSC. 

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Matatandaang nitong Sabado, Nobyembre 13 nang diretsahang ibinunyag ni VP Sara ang umano’y pakikipag-usap niya raw sa isang tao na handa niya ring ipapatay ang Pangulo, First Lady at House Speaker kapag nauna raw siyang naipatumba ng mga kaalitan niya sa politika. 

“May kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kaniya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke. No joke,” ani VP Sara sa media. 

KAUGNAY NA BALITA: Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang