November 23, 2024

Home BALITA National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital
MULA SA KALIWA: Sen. Bato dela Rosa at Cong. Dante Marcoleta (Photo courtesy: Valiente News via VP Sara Duterte/FB)

Binisita nina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta ang Chief of Staff ng Office of the Vice President (OVP) na si Atty. Zuleika Lopez sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City nitong Sabado, Nobyembre 23.

Sa isang magkahiwalay na Facebook post ng opisyal na page ni Vice President Sara Duterte, makikita ang mga larawan ng pagdating nina Dela Rosa at Marcoleta sa ospital kung saan kasalukuyang naka-confine si Lopez.

Unang dumating sa St. Luke’s si Dela Rosa na humarap sa media, kung saan iginiit niyang hindi umano convicted si Lopez para ilipat sa Women's Correctional.

“It’s very unfortunate, dahil yung tao na hindi pa man nagiging accused, hindi pa na-file-an ng kaso, kung i-treat mo parang convicted na, na dadalhin mo sa women’s correctional,” saad ng senador. 

National

De Lima kay VP Sara: ‘Kung magnakaw wagas, kapag pinapaliwanag andaming hanash!’

MAKI-BALITA: Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

Samantala, makikita namang nakausap ni Marcoleta si VP Duterte sa St. Luke habang patungo siya sa silid kung saan naka-confine si Lopez. Kilala si Marcoleta bilang kaalyado ng mga Duterte.

Matatandaang dinala si Lopez sa St. Luke’s Medical Center dahil daw sa “anxiety attack” matapos siyang ilipat sa Women’s Correctional dahil umano sa panghihimasok ni VP Duterte sa sitwasyon nito sa detention facility sa House of Representatives. 

Noong Miyerkules, Nobyembre 20, nang i-contempt ng House of Representatives si Lopez dahil umano sa liham ng OVP sa Commission on Audit (COA) na naglalaman na huwag ilahad sa Kamara ang audit nito sa ahensya. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order