November 23, 2024

Home BALITA

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez
Photo courtesy: VP Sara, House of Representatives/Facebook

Tahasang iginiit ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang mensahe para kay House Speaker Martin Romualdez matapos siya nitong utusan na sumipot na raw sa mga pagdinig ng Kamara hinggil sa paggamit niya ng kaniyang confidential funds.

Sa press conference na isinagawa ng kampo ng Pangalawang Pangulo nitong Biyernes, Nobyembre 22, 2024, diretsahan niyang sinabi na hindi raw niya binoto si Romualdez na maging kongresista at House Speaker, kung kaya’t hindi raw siya nito dapat na utusan.“Kilala ko siya as Martin Romualdez, but I did not vote for him for Congressman and House Speaker, so ‘wag niya akong pagsabihan kung ano yung dapat kong gawin,” ani VP Sara. 

Dagdag pa ng Bise, hindi raw niya ibinoto si Romualdez sa speakership ng Kamara at maging sa pagiging kongresista dahil wala raw siyang tiwala rito. 

“I do not gave him my trust and confidence as congressman. I did not vote for him as speaker of House of Representatives,” anang Bise Presidente. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iginiit din ni VP Sara na kahit daw maging taga-Tacloban siya, ay hindi pa rin daw niya iboboto sa pagiging kongresista si Romualdez.

“Maging taga-Tacloban man ako, hindi rin ako boboto sa kaniya as Congressman.” giit ng Bise.

Matatandaang nitong Huwebes, Nobyembre 21, ay naglabas ng pahayag ang House Speaker at iginiit na sumipot na lang daw ang Pangalawang Pangulo at ito rin daw mismo ang dapat na magpaliwanag sa mga transaksyon ng Office of the Vice President. 

KAUGNAY NA BALITA: Speaker Romualdez kay VP Sara hinggil sa pagdinig ng Kamara: ‘Dapat lang siyang sumipot!’