"Isa lang naman may gustong pumatay sakin, si Martin Romualdez."
Ito ang tahasang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isinagawang online press conference nitong Biyernes, Nobyembre 22.
Sa naturang online press conference, ibinahagi ni Duterte na pinaaalis daw siya ng House Sergeant-At-Arms sa compound ng House of Representative dahil nababahala ito sa kaniyang seguridad sa loob.
Kasalukuyan din kasi siyang nasa opisina ng kaniyang kapatid na si Davao 1st District Rep. Paolo Duterte sa House of Representative para sa kaniyang chief of staff na si Zuleika Lopez na naka-detain doon.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order
"Sabi ko, 'Sir, I am not your security problem kasi mayroon naman akong sariling security bayad naman sila ng gobyerno para bantayan ako. So, let them be na magbantay sa akin. You don't need to worry about my security.' Sabi niya, 'hindi, hindi baka may mangyari sa'yo rito sa loob.'," ani Duterte.
Matapos nito ay walang prenong sinabi ng Pangalawang Pangulo na may isang tao lang daw ang gustong pumatay sa kaniya kundi si House Speaker Martin Romualdez.
"Sabi ko sir, isa lang naman may gustong pumatay sakin, si Martin Romualdez. And I don't think gagawin niya yan dito sa loob ng House of Representatives. Gagawin niya 'yan dito sa labas," dagdag pa niya.
Nang tanungin kung bakit niya ito nasabi, aniya mabilis daw siyang maka-assess ng isang tao.
"Because I know him 'di ba? From the short time na nagkilala kami. I am a good judge of character. Mabilis ako maka-assess ng isang tao," ani Duterte.
"Nagkasama kami sa kampanya. And I'm no psychologist, but that man has so much baggage and insecurities sa buhay niya," dagdag pa niya.
Bukod dito, sinabi rin ng Pangalawang Pangulo na hindi raw niya binoto si Romualdez na maging kongresista at House Speaker, kung kaya’t hindi raw siya nito dapat na utusan.
BASAHIN: VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez
Samantala, wala pang pahayag si Romualdez tungkol sa mga sinabi ni Duterte sa online press conference.
KAUGNAY NA BALITA: 'Kung ano magustuhan' VP Sara, hindi nirerespeto ang institusyon?