Nagbigay ng pahayag si Asia’s Songbird Regine Velasquez kaugnay sa sinasabi niyang lipas na raw ang kaniyang panahon sa larangan ng pagkanta.
Sa isang TikTok video nitong Huwebes, Nobyembre 21, sinabi ni Regine sa fans na huwag daw mag-panic at sumama ang loob dahil hindi naman daw ito masamang bagay.
“Don’t panic, don’t be upset, it’s not a bad thing. I’m just being realistic because it’s true. It’s no longer my time. That means I can no longer compete with the young ones," saad ni Regine.
"Come on, I’m 54 years old. I have been in the industry for almost 40 years and I have been singing all my life. And the truth is, even if I still can compete, I really don’t want to anymore,” wika niya.
Dagdag pa ng singer, “Galing akong singing contest and half my career, feeling ko, kailangan ko mag-compete kasi ine-establish ko ‘yong sarili ko. I don’t wanna do that anymore.”
Sa kasalukuyan, mas itinuturing na niya ang sariling bilang mentor. Ini-enjoy na lang din daw niya ang kaniyang career at ang respetong natatanggap niya mula sa kaniyang mga kasabayan.
Matatandaang sa isang panayam noong Mayo ay ibinahagi ng mister ni Regine na si Ogie Alcasid na araw-araw daw nilang pinag-uusapang mag-asawa ang tungkol sa posibilidad na mawala sa panahon ang kanilang boses.
MAKI-BALITA: Regine Velasquez, Ogie Alcasid natatakot malaos?