January 23, 2025

Home BALITA National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso
Photo courtesy: Ping Lacson/Facebook, Manila Bulletin file photo, Bongbong Marcos/Facebook

Nagbigay ng pahayag si dating senador Ping Lacson tungkol sa sitwasyon ni Mary Jane Veloso at iginiit ang mga naging kontribusyon nina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

KAUGNAY NA BALITA: Nasentensyahang si Mary Jane Veloso, babalik na sa Pilipinas—PBBM

Inihayag ni Lacson sa kaniyang opisyal na Facebook account nitong Biyenes, Nobyembre 22, 2024 na hindi pa raw nagtatapos ang tinawag niyang ‘Mary Jane Veloso saga” at sinabing nailigtas daw ito sa parusang bitay sa Indonesia dahil kina PNoy at PBBM.

“PNoy succeeded in temporarily staying her execution. PBBM not only convinced Indonesia to have her death sentence commuted to life imprisonment but he is bringing her back home to serve her sentence here,” ani Lacson.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Matatandaang taong 2010 nang mahulihan ng ilegal na droga si Veloso sa Indonesia, matapos umano siyang mabiktima ng kaniyang ilegal recruiter na pangakong trabaho sa Malaysia. 

KAUGNAY NA BALITA:  BALITAnaw: Ang timeline ng 14 taong death row sentence ni Mary Jane Veloso

Kaugnay ng naturang pahayag, nabanggit din niya na marapat lang daw na mapatawan na ng Presidential Pardon si Veloso o hindi naman kaya ay mapalaya ito sa pamamagitan ng good conduct time allowance (GCTA) sa ilalim ng RA 10592.

“We are not privy to the terms of the agreement but we can only hope it includes the discretion to grant Mary Jane a presidential pardon or at least her early release from confinement based on good conduct time allowance (GCTA) as provided under RA 10592,” anang dating senador. 

Bagama’t kumpirmadong maibabalik na ng Pilipinas si Veloso, hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na mga detalye ang Indonesia at Pamahalaan kung kailan siya maililipat ng kulungan sa bansa. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Pinas, tutuparin mga kondisyon ng Indonesia para sa pagpapauwi kay Veloso – DFA, DOJ