December 23, 2024

Home BALITA National

'Kung ano magustuhan' VP Sara, hindi nirerespeto ang institusyon?

'Kung ano magustuhan' VP Sara, hindi nirerespeto ang institusyon?
photo courtesy: Manila Bulletin, House of Representatives/FB

"Lack of respect" kung ilarawan ni Manila Third District Rep. Joel Chua ang hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa mga pagdinig ng House of Representatives kaugnay sa confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd).

Sa isinagawang media briefing nitong Biyernes, Nobyembre 22, sinabi ng House Blue Ribbon Committee chairperson na kulang umano sa respeto sa institusyon ang bise presidente, dahil kung ano lang daw ang magustuhan 'yon lamang ang ginagawa nito. 

Matatandaang noong Nobyembre 13 nang pumunta sa House Quad Comm ang Bise Presidente kung saan dinidinig ng komite ang isyu ng war on drugs ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

At nito lamang Nobyembre 21, pumunta ulit sa House of Representatives si Duterte upang damayan umano ang kaniyang chief of staff na si Zuleika Lopez na naka-detain sa Kamara.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

BASAHIN: VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Ayon kay Chua, nang matanong tungkol sa mga aksyon na ginagawa ng pangalawang pangulo: "Lack of respect in the institution. Nakikita naman po natin 'no na parang kung ano lang gusto niya 'yon lang ang gagawin niya."

"In fact, ngayon, sinabi siya ng Sergeant at Arms na to leave the office of the Congressman Pulong [Paolo Duterte], hindi pa rin niya sinunod. So parang sa akin lang 'no, kasi tayo opisyal tayo eh dapat careful tayo sa ating mga aksyon. So dapat ito ay tinitingnan din natin kasi it will show our character. Nagre-reflect 'yong character natin sa ating mga aksyon," dagdag pa niya.

"So sa akin lang, hindi ko naman masasabi kasi si Vice President nakikita naman natin na mataas ang pinag-aralan eh, isa po siyang abogada. So sana, 'yong respeto sa mga tao lalo na sa mga maliliit sa kaniya, sana ibigay din po niya."