November 26, 2024

Home BALITA National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists
PRC (MB file photo)

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Nobyembre 22, na 50.78% ang pumasa sa November 2024 Licensure Exam for Agriculturists.

Base sa tala ng PRC, 3,628 sa 7,144 sa examinees ang pumasa sa pagsusulit.

Kinilala bilang topnotcher si lan Gabriel Ramos Mangulabnan mula sa University of the Philippines - Los Baños matapos siyang makakuha ng 89.67% score.

Samantala, tinanghal bilang top performing schools ang University of the Philippines - Los Baños na nakakuha ng 100.00% passing rate (na may 100 examinees o higit pa) at ang Cavite State University na nakakuha ng 92.50% passing rate (na may 40 hanggang 99 examinees).

National

Malacañang, inalmahan si Ex-Pres. Duterte: ‘He should respect the constitution!’

Isinagawa ang naturang pagsusulit mula Nobyembre 12 hanggang 14, 2024 sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan De Oro, Calapan, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Palawan, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

Nakatakda naman ang schedule ng online appointments para sa bagong Agriculturists’ Professional ID at Certificate of Registration sa Enero 21, 2025.

Congratulations, Passers!