November 21, 2024

Home BALITA National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa
Courtesy: Sen. Risa Hontiveros at VP Sara Duterte (Facebook)

Iginiit ni Senador Risa Hontiveros na hindi na kinakailangang baguhin ang ₱733-million budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.

Sa isinagawang Kapihan sa Senado nitong Huwebes, Nobyembre 21, sinabi ni Hontiveros na sapat na ang nasabing pondo ng opisina ni Duterte dahil nakapag-operate naman daw ang OVP sa ilalim ng mga nagdaang administrasyon kahit ganoon ang antas ng kanilang budget.

"I think sapat na yung level ng proposed budget ng OVP. Nakapag-operate na nga ang ibang mga OVPs in previous administrations sa ganiyang level lang," ani Hontiveros.

Samantala, binanggit din ng senadora na hindi umano naipaliwanag nang maayos ang tungkol sa ₱10 milyong gagamitin para sa distribusyon ng kontrobersyal na children’s book ng bise presidente na “Isang Kaibigan.”

National

Speaker Romualdez kay VP Sara hinggil sa pagdinig ng Kamara: ‘Dapat lang siyang sumipot!’

MAKI-BALITA: VP Sara, Sen. Risa nagkairingan; hindi maintindihan ugali ng isa't isa

"So susubukan ko talaga na suportahan yung current level ng OVP budget. I don't think kailangan pang baguhin iyan," giit ni Hontiveros.

Matatandaang sa isinagawang pagdinig ng Senado kamakailan, inaprubahan ng Senate finance committee ang ₱733-million budget ng OVP sa loob ng 10 minuto.

In-adopt ng upper chamber ang rekomendasyon ng House of Representatives na gawing ₱733 milyon ang pondo ng OVP sa 2025, mula sa orihinal na panukalang budget na ₱2.037 bilyon. 

MAKI-BALITA: Budget ng OVP, aprub sa senado; mga senador, nagpa-pic kay VP Sara

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano ang susunod na pagdadaanan ng proposed budget ng OVP?