November 21, 2024

Home BALITA National

‘Pinas, posibleng makaranas ng 1 hanggang 2 bagyo sa Disyembre – PAGASA

‘Pinas, posibleng makaranas ng 1 hanggang 2 bagyo sa Disyembre – PAGASA
Courtesy: PAGASA

Isa hanggang dalawang bagyo ang posibleng pumasok o mabuo sa Pilipinas pagdating ng buwan ng Disyembre, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa public weather forecast ng PAGASA nitong Miyerkules, Nobyembre 20, sinabi ni Weather Specialist Joanne Mae Adelino na pangangalanan ang posibleng dalawang bagyo sa susunod na buwan na Querubin at Romina. Ito ang magiging ika-17 at ika-18 bagyo para sa taong ito.

Ani Adelino, lima ang karaniwang  tropical cyclone tracks sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Disyembre. 

Una, posibleng mabuo ang bagyo sa western Pacific, pumasok sa PAR, pare-recurve patungo sa silangang bahagi ng PAR nang hindi nagla-landfall, at saka maglalayag patungong Japan. 

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Pangalawa, maaaring pumasok sa PAR ang bagyo, magre-recurve bago mag-landfall, at saka magtutungo sa northeastern portion ng PAR bagyo didiretso sa Japan.

Ang ikatlo naman sa karaniwang tropical cyclone tracks, ayon kay Adelino, ay ang posibleng pag-landfall ng bagyo sa Northern o Central Luzon, sa kikilos pakanluran patungong Hong Kong pagkatapos lumabas sa kalupaan. 

Samantala, ang ikaapat na karaniwang magiging kilos ng bagyo ay magla-landfall ito sa Southern Luzon o Northern Visayas, at saka kikilos pakanluran patungong Vietnam.

Panghuling karaniwang tropical cyclone tracks pagdating ng Disyembre: ang bagyo ay magla-landfall sa Southern Visayas o Northern Mindanao at saka kikilos pakanluran patungong Thailand.

Matatandaang noon lamang Lunes, Nobyembre 18, nang lumabas ng PAR ang bagyong Pepito, na ika-16 bagyo sa bansa ngayong taon.

MAKI-BALITA: Bagyong Pepito, nakalabas na ng PAR!