December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'
Photo courtesy: ABS-CBN Studios/GMA Network

Maugong ang usap-usapang hanggang Disyembre 2024 na lamang daw ang ABS-CBN noontime show na "It's Showtime" bilang blocktimer sa GMA Network, at ipapalit dito ang "TiktoClock" nina Kim Atienza, Pokwang, Jayson Gainza, at iba pa.

Ang ulat na ito ay inilabas ng entertainment site na PEP, Huwebes, Nobyembre 21.

Ang TiktoClock ay sariling variety show ng Kapuso Network sa umaga, na lumalabas na pre-program show ng Showtime. Si Kuya Kim ay dating mainstay ng Showtime, hanggang sa umalis siya rito. Ilang taon ang nakalipas, tuluyan naman siyang umalis sa ABS-CBN at lumundag sa GMA Network.

Matatandaang lumipat nang tuluyan ang Showtime sa GTV, sister channel ng GMA, bago tuluyang lumipat sa main network matapos namang sumalang ng "Eat Bulaga" sa noontime slot ng TV5 kung saan dating umeere ang Kapamilya noontime show, isama pa ang A2Z, bukod pa sa cable channels na Kapamilya Channel at Jeepney TV, at sa kanilang YouTube channel na Kapamilya Online Live.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Nadagdagan pa sila ng free TV channel, ang ALLTV, na gumagamit sa frequency ng channel 2 na dating naka-assign sa ABS-CBN, bago mawalan ng prangkisa.

Pero bago pa man tuluyang umalagwa ang Showtime sa GMA ay matunog na noong una na talagang hanggang Disyembre lang sila, matapos ngang matsugi sa ere ang "Tahanang Pinakamasaya."

Marami tuloy ang nanghihinayang kung talagang totoo ito, dahil nabigyan ng pagkakataong magkatrabaho ang Kapamilya at Kapuso stars sa iisang live at noontime show, na first time nangyari sa kasaysayan ng telebisyon.

Nakapag-guests ang ilang Kapuso stars sa Showtime at nakapag-promote pa nga ng Kapuso shows.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ng ABS-CBN o GMA patungkol sa isyung ito.