Tila nakakuha ng "bright idea" ang Pinoy netizens sa isang viral Facebook post patungkol sa "color coding scheme" ng isang shop sa ibang bansa, kung saan makikitang may ibig sabihin ang basket na pipiliin ng mga mamimili.
2019 pa ang nabanggit na post ng isang nagngangalang "Anthony Hall" subalit patuloy pa rin itong pinag-uusapan at shine-share sa social media.
"What a great way to show your preference while shopping," mababasa sa caption ng post noong Enero 22, 2019.
Sa larawan naman, makikita ang color coding scheme ng shop na kilala sa makeup, skincare, fragrance, hair, at beauty products.
Kung gusto ng shopper na may umassist sa kaniya na staff o sales clerk, kukunin niya ang red shopping basket. Pero kung gusto naman niyang mag-shop nang mag-isa lamang at walang nakabuntot sa kaniya, kukunin niya ang black shopping basket.
Tila naka-relate naman dito ang Pinoy shoppers at panawagan nila sa mga department stores, boutiques, at shops sa Pilipinas, sana raw ay i-adapt nila ang mga ganito, lalo na para sa shoppers na naiilang at ayaw na may nakasunod na nag-assist kapag nagtitingin-tingin, nagsusukat, o sumusubok ng mga produkto.
"Black all the way. Leave me alone unless I ask for your help lol."
"Tama dapat gayahin ito sa Pinas!"
"It's about time na gawin din ito sa Philippines. Nakakailang kasi kapag may sunod nang sunod."
"This is brilliant idea, sana maisip din ng shops sa Pinas."