January 24, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Apela ng 'tusok-tusok' vendor na iniisahan, usap-usapan: 'Magbayad kayo ng tama!'

Apela ng 'tusok-tusok' vendor na iniisahan, usap-usapan: 'Magbayad kayo ng tama!'
Photo courtesy: Random Trends (FB)

Viral ngayon sa social media ang isang Facebook post tungkol sa isang larawan ng "tusok-tusok" na may karatulang nakalagay na “PAKIUSAP!! MAGBAYAD KAYO NG TAMA.”

Sa isang post ng “Random Trends” sa Facebook noong Nobyembre 18, na may caption na “Hindi yung ang dami niyong kinain tapos bente lang ang ibabayad niyo…,” kasalukuyan itong may 49k reactions, 1.2k comments, at 3.2k shares.

Ang “tusok-tusok” ay isang colloquial term sa Pilipinas na tumutukoy sa mga pagkaing karaniwang tinutuhog o kinakain gamit ang barbecue stick. Madalas itong ginagamit para ilarawan ang street food tulad ng fishball, kikiam, squidball, kwek-kwek, at iba pang fried delicacies na mabibili sa mga karinderya o street food stalls.

Ang term ay nagmula sa paraan ng pagkain nito, kung saan tusukin muna ang pagkain gamit ang stick bago ito isawsaw sa sawsawan at kainin.

Human-Interest

Kilalanin si Lyka Jane Nagal, viral service crew na naluha sa trabaho nang makapasa sa LET

Tila marami naman ang naka-relate sa nasabing viral post lalo na ang small local vendors na na naghahanapbuhay nang marangal kahit kakaunti lamang ang kinikita at madalas ay naiisahan pa.

Narito ang iba't ibang komento mula sa mga netizen ang viral post na ito:

“Be honest naman nag hahanap buhay sya ng marangal wag naman sana duyain”

“Ang taong may malasakit ang blessing nakadikit ,pero kung Wala ka nito bubutasin ang kaldero mo, sad but true ”

“Mga ganitong negosyo, d nila hinangad maging stable money, Ang gusto nila ma solve ung pangkain nila sa araw arw, kung d ka maging honest sa kapwa mo tao, babalik din sayo ginwa mo.”

“nabubulok ang sikmura ng hindi nag babayad sa pagkain., goodluck liars”

“Kaawaan po sana ntin ang maliit na negosyo, pero mas Malaki pa ang tiwala sa public kesa sa private”

“oo alam ko mahirap buhay, pero, wag naman isahan pa tong mga ganitong local vendors ”

“Danas ko Yan, minsan n kong nalugmok mula ng nawalan ako ng trabaho noon, dahil napakahirap mag apply noon ng trabaho dahil pandemic, namasukan ako bilang vendor ng street foods, nag stay in ako libre kain n din, ung inakala kong makakapag simula akong kumita kahit papano ay ndi pla, halos wala akong sinasahod nun dahil sa mga shortage ko sa mga paninda ko, dahil sa mga taong ndi nagbabayad ng tama, mga taong ndi p nagbabayad at sumasabay sa karamihan, kahit alam nilang maliit lng ang kita nmin sa gnyan eh tuloy padin sila sa pang lalamang, kya minabuti kong tumakas nung magkaroon ako ng pag kakataon kc wala n kong sinasahod, Hanggang may nag bukas n opurtunidad sakin at ngayon pinasasalamatan ko p dahil nakahon akong muli kahit papano, kya sa mga taong mandaraya pag dating sa ganito sana mag isip isip kayo bago nio kayo mandaya sa mga street food vendor, ndi nio alam ang hirap nila sa pag titinda..”

Mariah Ang