January 23, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Anong meron? Saging sa New York, na-auction ng tinatayang ₱350M!

Anong meron? Saging sa New York, na-auction ng tinatayang ₱350M!
Photo courtesy: AP file photo

Pinagkaguluhan ang isang saging sa auction house sa New York na humakot ng milyong auction bid noong Miyerkules, Nobyembre 20, 2024.

Ayon sa ulat ng Associated Press (AP) News, pitong bidder ang nagtangkang makakuha ng natatanging saging na nakadikit sa dingding. Tinawag ang naturang work of art na “Comedian,” na masterpiece ng isang Italian artist na si Maurizio Cattelan. 

Nabili ng Chinese cryptocurrency entrepreneur na si Justin Sun ang nasabing kakaibang art work sa halagang $6.2M o tinatayang nasa ₱350M. 

Sa panayam ng media kay Sun, sinabi niyang hindi lang daw basta saging ang nabanggit na art piece at isa raw itong representation ng isang cultural phenomenon.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

"It represents a cultural phenomenon that bridges the worlds of art, memes, and the cryptocurrency community,” ani Sun. 

Giit pa ni Sun, kakainin din naman daw niya ang naturang saging bilang parte na rin daw ng kakaiba niyang artistic experience. 

“Additionally, in the coming days, I will personally eat the banana as part of this unique artistic experience, honoring its place in both art history and popular culture,” anang winning bidder. 

Kasama sa na-auction ni Sun ay ang certificate of authentication para sa nasabing artwork, kabilang na rin ang instructions kung paano raw papalitan ang saging kapag ito ay nabulok o nakain na. 

Kate Garcia