Naihatid na sa huling hantungan si British singer at dating One Direction member Liam Payne noong Miyerkules, Nobyembre 20, 2024 (araw sa England).
Katulad nang inaasahan, muling nasilayan ng publiko ang co-members ni Liam na sina Zayn Malik, Niall Horan, Louis Tomlinson at Harry Styles na dumalo sa kaniyang libing sa St. Mary’s Church sa Buckinghamshire, England.
KAUGNAY NA BALITA: One Direction at members nito, naglabas ng pahayag; 'devastated' sa pagpanaw ni Liam
Nakasakay sa loob ng karwaheng kulay puti ang kabaong ni Liam, kung saan makikita rin na may mga bulaklak na itaas nito na nakasulat na “Daddy” at “Son.”
Matatandaang pumanaw si Liam sa noong Oktubre 16, 2024 matapos siyang mahulog sa ikatlong palapag ng isang hotel sa Argentina.
KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, pumanaw na
Samantala, matapos pumutok sa balita ang mga larawan ng former 1D members, tila hindi naman napigilan ng fans na maging emosyonal sa ‘ika nga nila’y “the reunion that we never asked.”
“The brothers reunited. Right people, wrong time.”“The boys are back to say goodbye for one last time.”“This breaks my heart again.”“A heartbreaking reunion.”
“Liam’s dream to reunite with his bandmate.”
“The irony of it all. Reunion at a funeral.”
Taong 2015 ng naunang umalis sa grupo si Zayn, habang 2016 naman nang ianunsyo ng nasabing British boy band ang “indefinite hiatus.”
KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang karera ni Liam Payne sa One Direction at bilang solo artist
Kate Garcia