November 20, 2024

Home BALITA

VP Sara, nagsalita na patungkol sa misteryo ni Mary Grace Piattos

VP Sara, nagsalita na patungkol sa misteryo ni Mary Grace Piattos
Courtesy: VP Sara Duterte (FB)/Freepik

Nagbigay na ng reaksiyon si Vice President Sara Duterte patungkol sa mga lagda ng halos mahigit 1,200 umanong resibong pirmado ng isang nagngangalang "Mary Grace Piattos," na isinumite naman ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) upang mapatunayan lang daw ang pinagkagastusang ₱125M expenditures ng kaniyang tanggapan.

Sa video ng OVP na iniulat naman ng ABS-CBN News, sinabi ng Pangalawang Pangulo na wala siyang maikokomento tungkol dito dahil hindi pa niya nakikita ang mga tinutukoy na resibo, na may lagda ni Mary Grace Piattos.

"I have no comment on that no, because I have not seen the acknowledgment receipt na kanilang sinasabi, because basically lahat ng mga documents, hindi siya dumadaan sa akin..." ani Duterte.

Lahat daw ng mga dokumento ay dumidiretso sa tanggapan ng COA kung saan sinusuri ang confidential funds ng isang opisinang panggobyerno.

'Totoo ba ang tsika?' Tindahan ng segunda-manong libro, may nilinaw tungkol sa 'pagsasarado'

Samantala, tila mabilis namang pinatulan ng ilang netizens ang paghahanap kay Mary Grace Piattos nang inanunsyo ng ilang mambabatas na may nakahanda raw na ₱1M para sa makapagtuturo ng lokasyon at pagkakakilanlan nito.

Hindi raw kasi kapani-paniwala ang pagkakabuo sa pangalan ng signatories sa resibo, na tila pinagsamang pangalan daw ng isang restaurant at sitsirya.

MAKI-BALITA: Naghahanap na ba ang lahat? Pagkatao ni Mary Grace Piattos, palaisipan pa rin!