November 20, 2024

Home BALITA

'Totoo ba ang tsika?' Tindahan ng segunda-manong libro, may nilinaw tungkol sa 'pagsasarado'

'Totoo ba ang tsika?' Tindahan ng segunda-manong libro, may nilinaw tungkol sa 'pagsasarado'

Nilinaw ng pamunuan ng isang sikat na tindahan ng mga segunda-manong libro na hindi totoo ang mga kumakalat na tsismis na magsasarado na sila.

Inakala kasi ng marami na magsasara na ang marami sa mga branch nila batay sa naging mensahe ng kanilang CEO na si Josh Sison.

Pero batay sa paglilinaw ng Booksale Philippines, hindi raw sila magsasara at ibinida pa ang branches nila sa buong Pilipinas kung saan maaaring bumili ng iba't ibang second-hand books.

"So apparently there's a rumor that we're shutting down for good... We're not going anywhere! In fact, you can find us at these branches nationwide, just waiting to help you find your next great read!" anila sa kanilang Facebook post, Miyerkules ng gabi, Nobyembre 20. 

2 eroplano, nakaranas ng mga aberya sa Siargao Airport

Marami naman sa mga netizen, lalo na ang kanilang mga tagatangkilik, ang tila nabunutan ng tinik sa kanilang opisyal na anunsyo.

KAUGNAY NA BALITA: Sikat na tindahan ng mga segunda-manong libro, tutuklas ng bagong paraan ng pagbebenta