January 23, 2025

Home BALITA

Tatay ni Mary Jane Veloso, nagpasalamat kay PBBM: 'Natugunan na aming kahilingan!'

Tatay ni Mary Jane Veloso, nagpasalamat kay PBBM: 'Natugunan na aming kahilingan!'
Photo courtesy: Manila Bulletin/Balita File Photo

Todo-pasalamat ang ama ni Mary Jane Veloso na si Cesar Veloso kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na mapauwi na ang anak sa Pilipinas at hindi na matuloy ang parusang kamatayan sa kaniya ng Indonesia dahil sa kasong drug trafficking.

Sa panayam kay Cesar sa "Mark in, Mark Out" ng Radyo Pilipinas, sinabi ni Cesar ang kaniyang pasasalamat sa Pangulo gayundin sa mga abogado, media, at lahat ng mga tumulong sa kanila.

"Nagpapasalamat po ako, talagang maraming-maraming salamat po sa ating mahal na Pangulo, at natugunan na rin po ang aming kahilingan na pauwiin na po si Mary Jane dito sa Pilipinas," anang Cesar.

"Lalong-lalo na po ang mga taong sumusubaybay sa amin, tumutulong, malaking... nagpapasalamat po ako sa kanila, na hanggang hindi nakauwi si Mary Jane, hanggang ngayon tumutulong pa rin sila, nagpapasalamat po kami sa kanila lalong-lalo na 'yong mga attorney natin, mga media, lahat-lahat po, nagpapasalamat po ako sa kanila at wala silang sawang sumubaybay sa amin at tumulong."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Miyerkules ng umaga, Nobyembre 20, inanunsyo ni PBBM na babalik na sa Pilipinas si Mary Jane matapos ang halos 14 taong pagkakakulong sa Indonesia matapos mahulihan noon ng drugs sa paliparan noong 2010.

"Arrested in 2010 on drug trafficking charges and sentenced to death, Mary Jane’s case has been a long and difficult journey."

"After over a decade of diplomacy and consultations with the Indonesian government, we managed to delay her execution long enough to reach an agreement to finally bring her back to the Philippines," anang pangulo, sa kaniyang opisyal na pahayag.

Nagpasalamat naman si PBBM sa pangulo ng Indonesia at sa kaniyang administrasyon dahil sa kanilang "goodwill."

"I extend my heartfelt gratitude to President Prabowo Subianto and the Indonesian government for their goodwill. This outcome is a reflection of the depth our nation’s partnership with Indonesia—united in a shared commitment to justice and compassion."

"Thank you, Indonesia. We look forward to welcoming Mary Jane home."

MAKI-BALITA: Nasentensyahang si Mary Jane Veloso, babalik na sa Pilipinas—PBBM