November 20, 2024

Home FEATURES

Sikat na tindahan ng mga segunda-manong libro, tutuklas ng bagong paraan ng pagbebenta

Sikat na tindahan ng mga segunda-manong libro, tutuklas ng bagong paraan ng pagbebenta
Photo Courtesy: Freepik

Naglabas ng pahayag ang isang sikat na tindahan ng mga segunda-manong libro para sa bagong kabanatang tatahakin nila.

Sa latest Facebook post ng Booksale nitong Martes, Nobyembre 19, nagpasalamat sila sa mga tapat na mambabasang tumangkilik sa kanila.

"As we enter a new chapter in our bookstore's story, we want to take a moment to thank you, our loyal readers,” saad ng Booksale.

Dagdag pa nila: “While some of our branches are closing, we're excited to continue finding new and creative ways to make reading affordable and accessible as we have done so for the past 35 years.

Human-Interest

Sculpture ni Josephine Bracken na likha ni Jose Rizal, ipapa-auction

Sa huli, bagama’t hindi nila binanggit ang buong detalye, inihayag ng Booksale ang pagkasabik na maibahagi sa kanilang mga customer ang mga plano nila para sa naturang tindahan.

“So here's to the stories yet to be told and the adventures that await- both on the page and in the world beyond!" pahabol pa nila.

Umani naman ng samu’t saring pahayag mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Yo dabes, Booksale."

"Love you, Booksale! Ikaw ang tambayan ko tuwing vacant sa trabaho. Dahil sa iyo mas marami na yung libro ng mga anak ko kaysa sa amin ng tatay niya."

"Please don’t go extinct, Booksale. Your branches in South Cotabato and Mandaluyong are some of my happiest places. I make it a point to visit a Booksale shop whenever I’m home. I have a small collection of hard bounds from Booksale. Long may you live!"

"No mall visit is complete unless we get something from a Booksale branch. Please keep your SM Dasma branch. I was able to find Sweet Valley and Babysitters Club titles from your store. Booksale is a paradise for bookworms like me. You've encouraged a lot of kids to become readers and you've helped us build our book collection through the years."

"labyu beh wag ka bumitaw plz huhu"

"Mahal ka namin, Booksale!"

Ang Booksale ang itinuturing umanong pinakamalaking source ng mga murang segunda-manong libro mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Amerika, Canada, United Kingdom, at Australia.