December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Nadine Lustre, dinepensahan sa pag-endorso ng sugal

Nadine Lustre, dinepensahan sa pag-endorso ng sugal
Photo Courtesy: We The Pvblic (FB)

Nagbigay ng pahayag ang isang online platform kaugnay sa pag-eendorso ni award-winning actress Nadine Lustre ng isang app para sa online gambling.

Sa Facebook post ng We The Pvblic nitong Martes, Nobyembre 19, sinabi nilang hindi raw repleksiyon ng personal values ang trabaho ng isang tao.

Ayon sa kanila, “Nadine, beloved for her craft and authenticity, is now being scrutinized for a professional decision, as if her career choices must align perfectly with everyone else’s moral compass.”

“Just as the average person doesn’t necessarily love every project at work, public figures also navigate complex professional landscapes,” anila.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa ng nasabing online platform: “If you’ve ever taken a job you weren’t proud of just to make ends meet, you’d understand that work isn’t always a reflection of personal values, it’s often about survival.”

Kaya naman, sa halip na magpakita umano ng moral superiority, panahon na raw sigurong pagnilayan kung bakit tila masyadong maraming hinihingi ang mga tao sa mga public figure na tulad ni Nadine.

“So, let’s cut Nadine some slack. Instead of tearing her down, maybe we should turn our attention to the societal systems that perpetuate these dilemmas,” pahabol pa nila.

MAKI-BALITA: Nadine Lustre, patuloy na kinukuyog sa pag-endorso ng online sugal