January 22, 2025

Home BALITA

‘Let him run!’ Pantaleon Alvarez, nais muling tumakbong Pangulo si FPRRD

‘Let him run!’ Pantaleon Alvarez, nais muling tumakbong Pangulo si FPRRD
Photo courtesy: Manila Bulletin File Photo

Tila nais ni Davao del Norte 1st district Rep. Pantaleon Alvarez na matulad sa kapalaran ni US President-elect Donald Trump si dating Pangulong Rodrigo Duterte, kasunod ng naging pahayag niya na hayaang makatakbong Presidente ng Pilipinas para sa 2028 ang dating pangulo.

Tahasang inihayag kamakailan ni Alvarez na dapat daw ay payagang muling makatakbong Pangulo si FPRRD at hayaan daw magdesisyon ang taumbayan.

“Let him run. Let the people decide and if there is a legal issue, let the courts resolve it,” ani Alvarez.

Depensa niya, hindi raw kasi saklaw ng 1987 Constitution ang sitwasyon ng dating Pangulo na noong 2022 pa natapos ang termino. Bagkus, tanging ang incumbent President lang ang pinatutungkulan ng nasabing batas na nagbabawal ng releection sa pagiging pinakamataas na pinuno ng bansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Alam ninyo, ang nakalagay sa 1987 Constitution (The 1987 Constitution says this)--‘The President shall not be eligible for any reelection. It refers to the sitting or incumbent president not allowed for reelection,” saad ni Alvarez.

Giit pa ni Alvarez, patunay daw ang pagdalo ng dating Pangulo sa tinatayang 13 oras na House Quad Comm noong Nobye hearing noong Nobyembre 13, 2024, dahil ang puso raw nito ay nasa tamang lugar.

“As you can see, lawmakers grilled the ex-president for 13 long hours, but he still ended up strong. His heart is in the right place,” anang mambabatas.

Matatadaang nauna nang mapag-usapan sa Korte Suprema ang muling pagtakbo ng mga dating Pangulo ng bansa, matapos ang Presidential bid noon ni dating Pangulong Joseph Estrada sa Mayo 2010 National elections.

Dagdag pa ni Alvarez, kung nakakatakbo raw ang mga senador sa magkakasunod na termino, marapat lang daw na magkaroon muli ng pagkakataon si FPRRD katulad daw ng naging sitwasyon ni Trump sa Estados Unidos.

“Look at our senators. They can always run after their consecutive terms. The people are allowed to decide whether they want the senator to be reelected. In the US, look at President Trump; he was reelected. If we really believe in democracy, then let the people decide,’ giit ni Alvarez.

Kate Garcia