December 23, 2024

Home BALITA

2 eroplano, nakaranas ng mga aberya sa Siargao Airport

2 eroplano, nakaranas ng mga aberya sa Siargao Airport
Photo courtesy: Municipality of Del Carmen, Surigao del Norte/CAAP Siargao Airport (FB)

Dalawang eroplano sa magkaibang airlines ang nakaranas ng aberya sa Siargao Airport batay sa ulat ng lokal na pamahalaan ng Del Carmen, Surigao Del Norte at Civil Aviation Authority of the Philippines-Siargao Airport (CAAP-Siargao Airport).

Batay sa ulat na mababasa sa official Facebook page ng Municipality of Del Carmen, Surigao del Norte nitong Miyerkules, Nobyembre 20, pumutok daw ang isa sa mga gulong ng Cebu Pacific at habang isinusulat ang balitang ito, ay nakikipag-ugnayan pa sila sa CAAP Siargao at sa kompanya para sa ligtas na pag-transport ng eroplano.

"As of 07:00PM Tonight, we are still coordinating with CAAP Siargao and Cebu Pacific for the safe transport of the airplane that had main landing gear tire burst," anila.

Batay naman sa ulat ng CAAP sa kanilang official Facebook page para naman sa isa pang aircraft na nagkaroon ng aberya bandang hapon ng Martes, Nobyembre 19, nakaranas umano ng runway excursion o pagkakalihis ng aircraft sa runway surface dahilan para sumadsad ang gulong ng eroplano sa lupa, ng PAL De Havilland Canada Dash 8-400.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"At 3:20 AM today, November 20, the PAL De Havilland Canada Dash 8-400 was safely removed following a minor excursion yesterday at 1:50 PM here at Siargao Airport," anila.

"This was made possible through the unwavering teamwork of CAAP Siargao, led by Acting Manager Richard Alas, Airport Maintenance, ARFF, alongside with LGU Del Carmen, CAFGU, DPWH, PALEX and CEBGO Personnel.

We extend our heartfelt gratitude to everyone involved in resolving this unforeseen incident," dagdag pa.

Samantala, wala namang napaulat na casualties o nasaktan sa nabanggit na mga aberya.