December 22, 2024

Home BALITA

117 senatorial aspirants, naideklarang 'nuisance candidates' ng Comelec

117 senatorial aspirants, naideklarang 'nuisance candidates' ng Comelec
Photo Courtesy: Screenshot from KC After Hours (YT), via MB, Comelec/Facebook

Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na nasa 117 senatorial aspirants ang idineklara nilang “nuisance candidates” para sa dataing na 2025 midterm elections.

Sa panayam ng media kay Comelec Chairman George Garcia noong Martes, sinabi niyang 117 mula sa 183 mga kandidatong tumatakbo sa pagka-senador ang kinilala nilang “nuisance candidates,” o mga kandidatong walang seryosong intensyon sa eleksyon.

“They were declared as nuisance candidates or those without a serious intent to run for election,” ani Garcia.

Samantala, sinabi rin ni Garcia na may pitong kandidato na rin ang nag-file ng Motion for Reconsideration (MR) matapos mapasama ang kanilang pangalan sa naturang deklarasyon ng Comelec. Kabilang sa pitong kandidato ay sina Felipe Montealto Jr., business consultant at law student mula Miagao, Iloilo; abogadong si Orlando de Guzman mula San Carlos City, Pangasinan; entrepreneurs John Rafael Escobar ng Quezon City, Fernando Diaz mula sa Pasay City, at Dr. Luther Meniano ng Mandaluyong City; salesperson Roberto Sembrano ng Mandaue City, Cebu; at electrician-carpenter Alexander Encarnacion na sinubukan na ring mag-file sa pagka-senador noong 2019 at pagka-presidente noong 2022. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Umaasa rin daw si Garcia, na maisapinal na nila ang mga listahan ng kandidato at mga nag-file ng MRs hanggang sa susunod na linggo.

"Hopefully, we can resolve them MRs until next week,” anang Comelec chairman.

Kate Garcia