November 19, 2024

Home BALITA National

VP Sara at Sen. Raffy, nanguna sa survey para sa pagkapangulo ng ‘Pinas

VP Sara at Sen. Raffy, nanguna sa survey para sa pagkapangulo ng ‘Pinas
VP Sara Duterte at Sen. Raffy Tulfo (Facebook)

Nanguna sina Vice President Sara Duterte at Senador Raffy Tulfo sa listahan ng mga potensyal na presidential bets na iboboto umano ng mga Pilipino kung ngayon isasagawa ang 2028 national elections, ayon sa survey ng non-partisan public opinion firm na WR Numero.

Base sa September 2024 survey ng WR Numero na inilabas nitong Lunes, Nobyembre 18, kapwa 24% ng mga Pilipino ang nais iboto sina Duterte at Tulfo sa pagkapangulo ng bansa.

Sumunod naman sa listahan si dating Vice President Leni Robredo na nakatanggap ng 9% na boto.

Nasa ikaapat hanggang ikalimang puwesto sina Senador Grace Poe at Senador Imee Marcos na parehong nakakuha ng 5% mula sa survey.

National

Malacañang, hinikayat mga Pinoy na iwasan ang marangyang Pasko

Magkapareho namang 4% ang natanggap na boto nina Senador Risa Hontiveros at dating Senador Manny Pacquiao.

Kasama rin sa listahan ng mga nais daw iboto ng mga Pilipino para sa pagkapangulo sina Senador Robin Padilla (3%) at House Speaker Martin Romualdez (1%).

Samantala, 18% ng mga Pinoy na sinurvey ang nagsabing hindi pa nila alam kung sino ang nais nilang iboto bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.

Isinagawa raw ng WR Numero ang naturang survey mula Setyembre 5 hanggang 23, 2024, kung saan may respondents itong 1,729 mga Pinoy na nasa 18 pataas ang edad.

May margin of error ang survey na ±2%.