Ipapa-auction na umano ang kahuli-hulihang sculpture work ni Dr. Jose Rizal sa Makati City sa darating na Nobyembre 30.
Ang nabanggit na eskultura ay nagtatampok kay "Josephine Bracken," ang naging kasintahan ni Rizal, at ang titulo naman ng artwork ay "Josephine Sleeping."
Ayon sa ulat ng GMA News, ito raw ang magiging isa sa mga tampok na artwork na ipapa-auction sa "Kingly Treasures Auction 2024" ng Leon Gallery, na pagmamay-ari ni Jaime Ponce de Leon.
Ayon kay Jaime, nakuha niya ang artwork mula sa descendant ni Narcisa Rizal, isa sa mga kapatid na babae ni Dr. Jose Rizal.
Nasa ₱7M daw ang presyo ng nabanggit na sculpture na may lagda ni Rizal.
Bukod dito, ipapa-auction din ang bust sculpture ni Andres Bonifacio at ang huling selyo ng Katipunan sa nabanggit na gallery.