December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nadine Lustre, patuloy na kinukuyog sa pag-endorso ng online sugal

Nadine Lustre, patuloy na kinukuyog sa pag-endorso ng online sugal
Photo courtesy: Nadine Lustre (FB)

Tila "unbothered queen" ang award-winning actress na si Nadine Lustre sa mga kritisismong natatanggap niya matapos mag-post ng isang larawan habang tila ineendorso ang isang app para sa online gambling.

Makikita sa Facebook post ni "President Nadine" noong Nobyembre 16 ang kaniyang larawan habang ipinakikita sa kaniyang smartphone ang official launching ng "BIGWIN29."

Ang BIGWIN29 ay isang lehitimong online casino sa Pilipinas, na rehistrado naman sa ilalim ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Si Nadine nga ang ultimate endorser ng nabanggit na online platform para sa online sugal gaya ng casino.

Tsika at Intriga

Dennis Trillo, nagsalita na sa inisyung 'May ABS pa ba?'

Mababasa sa comment section ang iba't ibang birada laban kay Nadine.

Anila, sa lawak daw ng impluwensya at star power ni Nadine ay tila mas marami pa raw ang mahihikayat na magsugal, lalo na sa kabataan.

Marami na raw buhay, pamilya, relasyon, at mga pangarap ang nasira ng pagsusugal.

"Promote ng karne Promote ng sugal "

"The only winning move in gambling is not to play. Protect your finances, family, and future."

"It is still up to you. Kahit fan ka nya you don't need to follow her all the way. Piliin parin natin ano makakabuti satin at sa pamilya natin. But if this really sugal I really hope so not be fooled."

"Nakaka-disappoint ito Nadine."

"Just look into the subreddit r/utangPh to understand and see how many people are struggling with debts due to online gambling."

"Hindi po nakaka-aesthetic..."

"MAAARSEEEE :((( BAT NAMAN NAG PPROMOTE NG SUGAL?"

Sa kabilang banda, ilang netizens naman ang nagsabing puwede namang hangahan si Nadine sa kaniyang craft bilang artista, pero may sariling desisyon daw ang mga tao kung susuungin ang pagsusugal o hindi.

"Gambling is a choice. Just respect her hustle/grind guys. She is business minded."

"Eh 'di huwag kayo magsugal!"

"Wala naman sinabi si Nadine na magsugal kayo no?"

"Walang masama sa pagsusugal kung hindi ka naman adik dito at to the point na uubusin mo na 'yong pera mo. You have to limit yourself lalo na sa mga easy money."

Sa kabila ng backlash na natanggap niya ay hindi pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag ang kampo ni Nadine o ang kompanyang kaniyang ineendorso.