Alinsunod sa naunang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hinikayat ng Malacañang ang mga ahensya ng pamahalaang iwasan ang pagkakaroon ng “marangyang” pagdiriwang ng Pasko bilang pakikiisa raw sa mga kababayang nasalanta ng mga bagyo.
Sinabi ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa pamamagitan ng isang pahayag nitong Martes, Nobyembre 19.
“Alinsunod sa panawagan ng ating Pangulo, hinihikayat namin ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na iwasan ang mga marangyang pagdiriwang ngayong Pasko,” ani Bersamin. “This call is in solidarity with the millions of our countrymen who continue to grieve over lives, homes and livelihoods lost during the six typhoons that pummeled us in a span of less than a month.”
“An official guidance in writing need no longer be issued because we believe in the kindness of our fellow government workers, whom we fully trust can unilaterally adopt austerity in their celebration,” dagdag niya.
Kaugnay nito, hinikayat din ng Palasyo ang mga Pilipinong i-donate sa mga komunidad na nasalanta ng kalamidad ang kahit anong bahagi ng halaga ng kanilang naipon para sa Pasko.
“The true spirit of Christmas implores us to celebrate with compassion, to share our blessings, and to spread cheer. As a people united by love for our fellow men, we can cast away bleakness as we celebrate in this season of joy,” ani Bersamin.
“On the part of the government, we will make sure that the Christmas spirit will be felt early by all the affected areas in the form of relief goods and assistance, of infrastructure rebuilt, and of livelihoods restored.”
“Tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Pasko, kasama ang ating mga kababayang nasalanta ng mga sunod-sunod na kalamidad,” saad pa niya.
Nito lamang buwan ng Nobyembre ay sinalanta ang iba’t ibang dako ng Pilipinas ng malalakas na bagyo, tulad ng bagyong Marce, Nika, Ofel at ang Pepito na kalalabas lamang ng Philippine area of responsibility (PAR) nitong Lunes, Nobyembre 18.
Noong nakaraang linggo nang manalasa ang bagyong Pepito, na naging “super typhoon”, sa malaking bahagi ng Luzon, kung saan iniulat ni Pangulong Marcos sa isang panayam nitong Lunes ang malungkot na balitang isang indibidwal sa Camarines Sur ang nasawi.
MAKI-BALITA: PBBM, inanunsyong may nasawi sa Camarines Norte dahil kay ‘Pepito’: ‘That’s unfortunate!’
Sa naturang panayam ay nanawagan si Marcos sa mga Pilipinong mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo ngayong Kapaskuhan.