December 22, 2024

Home SHOWBIZ Events

Boy Abunda, nakulangan sa Miss Universe 2024

Boy Abunda, nakulangan sa Miss Universe 2024
Photo Courtesy: Boy Abunda, Miss Universe (FB)

Tila dismayado ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda sa ginanap na 73rd Miss Universe 2024 noong Linggo, Nobyembre 17.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Nobyembre 18, sinabi ni Boy na parang nakulangan daw siya sa kinang ng naturang pageant.

"I'll be very honest, this was not one of my favorite Miss Universe. Parang kulang sa kinang," saad ni Boy. “Medyo naguluhan po ako ng kaunti. Even the presentation of the gown, medyo iniba nila.”

Pero sa kabila nito, pinuri naman ng host ang record-breaking number ng 125 candidates pati ang diversity at inclusion ng pageant. 

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

Bukod dito, kinuwestiyon din ni Boy kung ano ang layunin sa likod ng titulong continental queens na iginagawad sa piling kandidata tulad kay Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo, na itinanghal bilang Miss Universe Asia.

"Continental queen for Asia, queens for different continents. Ang tanong ko e, 'what was that? Was that an afterthought na parang naisip nila para mas ma-engage ang different parts of the world?’ I didn't get that whole awarding," aniya.

Matatandaang si Victoria KjaerTheilvig ng Denmark ang itinanghal na Miss Universe 2024 samantalang si Chelsea naman ay hanggang sa Top 30 lang nakapasok.

MAKI-BALITA: Kilalanin si Miss Universe 2024 Victoria Theilvig at ang bitbit niyang adbokasiya

KAUGNAY NA BALITA: Chelsea Manalo, pasok sa Top 30 ng 73rd Miss Universe 2024