November 19, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Andrew E., sa isyu ng 'Humanap Ka Ng Panget:' 'Yong accusation is not authentic'

Andrew E., sa isyu ng 'Humanap Ka Ng Panget:' 'Yong accusation is not authentic'
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network and Julius Babao (YT)

Nagbigay ng paglilinaw ang komedyante at rapper na si Andrew E. hinggil sa plagiarism issue ng kanta niyang “Humanap Ka Ng Panget.”

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Nobyembre 18, sinabi ni Andrew E. na hindi raw authentic ang paratang na kinopya niya umano mula sa “Find An Ugly Woman”  ang “Humanap Ka Ng Panget.”

“My contention was ‘yong accusation was not authentic. Hindi ako ina-accuse ng tao na kinopya ko ‘yong kanta kasi hindi naman talaga sila nag-a-accuse,” paliwanag ni Andrew E. 

"Why?” dagdag pa niya. “Kasi kung nag-a-accuse sila na kinopya ko ‘yon, e, bakit hindi mo in-accuse ‘yong kanta na ‘yon na kinopya rin sa 1963 song?"

Musika at Kanta

Andrew E., nagsalita na sa girian kung sino 'King of Rap' sa Pinas

Ang tinutukoy ni Andrew E. na pinagbatayan ng “Find An Ugly Woman” ay ang "If You Wanna Be Happy" ni Jimmy Soul na inilabas noon pang 1963.

Matatandaang minsan nang ibinahagi ng rapper ang kuwento kung paano niya nabuo ang kontrobersiyal na kanta sa isang panayam noong Setyembre.

MAKI-BALITA: Andrew E., ibinahagi kung paano nabuo ang 'Humanap Ka Ng Panget'