December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ai Ai, bet makausap si Xian Gaza matapos maspluk na nakabuntis ng iba asawa niya

Ai Ai, bet makausap si Xian Gaza matapos maspluk na nakabuntis ng iba asawa niya
Photo courtesy: Ai Ai Delas Alas, Christian Albert Gaza (FB)

Sinisikap daw ni Kapuso Comedy Concert Queen Ai Ai Delas Alas na makausap ang social media personality na si Xian Gaza matapos nitong mag-post ng rebelasyon patungkol sa kaniyang mister na si Gerald Sibayan.

Matatandaang kamakailan lamang, nanggaling na mismo kay Ai Ai ang kumpirmasyong hiwalay na sila ng mister na si Gerald.

Ilang araw makalipas ang intriga, nag-post si Xian ng open letter para kay Ai Ai na nagsasabing may nabuntis nang iba ang kaniyang mister.

Mababasa sa Facebook post ni Xian noong Nobyembre 13, "Madam, may nabuntis na pong iba yung asawa mo. Wait mo na lang na i-reveal yung bata next year. Ganyan po talaga ang buhay, matapos kang gamitin para umasenso sa life at magkaroon ng green card sa US, iniwan ka na lang basta-basta noong ikaw ay senior citizen na."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Ayaw na po niya sa matanda kaya ngayon ay ipinagpalit ka sa mas bata. Ang importante po ay naging masaya ka sa piling niya for the last 10 years. Time will heal you, Madam. Huwag ka na pong magpauto ulit ha? Enjoyin mo na lang po yung buhay single mo. Fling fling na lang. Tikim tikim na lang. Huwag ka na pong magpagamit ulit sa mga kaedad namin dahil pera lang po ang habol namin sa matatanda. Sayang lang po yung feelings, pera at oras na i-invest niyo sa amin. Praying for you Madam Ai-Ai and God bless po sa bagong chapter ng iyong buhay."

Nakarating naman kay Ai Ai ang tungkol sa nabanggit na post ngunit hindi raw niya mapadalhan ng private message ang online personality.

"Christian Albert Gaza PM mo naman ako. di ako maka comment sa Page mo eh. hehehe," aniya sa kaniyang Facebook post. 

Samantala, wala pang updates kung nakapag-usap na ba ang dalawa.