November 19, 2024

Home BALITA National

5.2-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental; aftershocks, asahan

5.2-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental; aftershocks, asahan
Courtesy: Phivolcs/FB

Yumanig ang isang magnitude 5.2 na lindol sa probinsya ng Davao Occidental dakong 4:34 ng hapon nitong Martes, Nobyembre 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 54 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Don Marcelino, Davao Occidental, na may lalim na 56 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity III sa Don Marcelino, DAVAO OCCIDENTAL.

National

SP Chiz, Sen. Koko, at Sen. Raffy, pwedeng maging pangulo ng PH – Sen. Robin

Pinag-iingat ang mga residente sa kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

Ngunit hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.